Wednesday, August 31, 2011

Ang kasalanan ko kay kuya Felipe ( Ika - 3 labas)


NAGTAXI kami papuntang NAIA kinabukasan. Alas nuwebe kami umalis sa bahay. Magkatabi kami ni Ate Tet sa upuan sa likod ng taxi.

"Anong oras ang dating ni Kuya Felipe Ate?" tanong ko. Hawak ko ang isang plastic bag na may lamang tubig at sandwiches na ginawa ni Ate.

"Alas diyes daw," sagot.

"Baka matrapik tayo."

"Hindi naman siguro. At saka matagal pa bago makalabas iyon sa airport. Di ba noong isang taon e ang tagal nating naghintay."

Napatangu-tango ako. Nasulyapan ko ang mga kuko sa daliri ni Ate Tet. Bagong manicure. Kulay pula ang kulay ng mga kuko. Ganoon din sa mga paa.

Naka-pantalong maong si Ate Tet at blusang kulay puti. Manipis ang pagkakapahid ng make-up. Bagay sa kanya.

"Sa airport na lang tayo kumuha ng FX pag dumating na ang kuya mo."

"Akala ko aarkilahin mo ‘yung FX ng kapitbahay natin. Di ba noong isang taon, inarkila natin yon?"

"Mahal namang sumingil. Tapos gusto pa e hihingi ng sigarilyo at corned beef."

Nasusulyapan ko ang bahaging dibdib ni Ate Tet. Nasisilip ko ang bra niya sa pagitan ng pagkaka-butones. Binabawi ko naman kapag napapatingin siya sa akin.

Mabilis kaming nakarating sa airport. Walang traffic.

Pasado alas diyes kami dumating doon. Eksakto sa pagdating ng Saudia. Nakita namin sa TV monitor. Arrived.

May kalahating oras kaming naghintay at saka namin nakita ang papalabas na si Kuya Felipe habang tulak ang baggage cart.

"Ipe! Ipe!" Tawag ni Ate Tet. Lumingon si Kuya Felipe sa kinaroroonan namin.

Malaking lalaki si Kuya Felipe. Matipuno ang katawan. Makapal ang bigote. Hindi siya guwapo. Iyong tipong kontrabida ang dating. Pero sa kabila ng kontrabidang kaanyuan, walang kasing bait. Super. Kaya nga niya ako inampon at pinag-aaral.

(Itutuloy)

Ang kasalanan ko kay Kuya Felipe (Ika - 2 labas)


"PAGKATAPOS mong maglampaso e maligo ka na at mag-aral ng leksyon mo," sabi ni Ate Tet. Iniwasan kong tumingin sapagkat makikita ko na naman ang maitim na nakatumpok sa pagitan ng kanyang mga hita.

"Magsasaing pa ba ako, Ate?" iyon ang naitanong ko sa kawalan ng masasabi. Ayaw ko pa ring tumingin at baka makitang muli ang nakita ko na kanina.

"Huwag na. Aalis din naman ako. Hindi ako kakain dito."

"Bukas maghahanda ka ba, Ate?" tanong ko pa pero hindi pa rin ako tumitingin.

"Kaunti. ‘Yung paborito lang ni Kuya Felipe mo. Mahilig yun sa dinuguan at saka puto. Bago tayo umalis papuntang NAIA e bumili ka ng puto sa Goldilocks ha?"

"Opo, Ate."

"Sige tapusin mo na ang paglalampaso at nang makapag-aral ka ng leksyon. Tiyak na tatanungin ka ni Kuya mo kung ano na ang studies mo. Gusto niya e maging engineer ka para maipasok sa pinagtatrabahuhan niya sa Riyadh."

"Opo Ate."

Tinapos ko ang paglalampaso sa sahig. Pagkatapos ay kinuha ko ang aking tuwalya at brief sa kuwarto. Naligo ako. Habang naliligo ay naiisip ko ang mga sinasabi ni Kuya Felipe kapag dumarating siya galing sa Saudi. Pagbutihan ko raw ang pag-aaral. Huwag maglalakwatsa at huwag magda-drugs. Samantalahin ko raw ang pagkakataon na malakas pa siya at kumikita sa Saudi. Darating daw ang panahon na hindi pupuntahan ng mga Pinoy ang Saudi sapagkat magiging magulo roon. Magkakaroon ng mga bombing at kung anu-ano pang karahasan. At parang nagkakatotoo na nga. Ipinangako ko naman kay Kuya Felipe na pagbubutihin ang pag-aaral para naman hindi masayang ang perang ginagastos niya sa akin.

Mabilis akong natapos sa paliligo. Dinukwang ko ang nakasabit na tuwalya sa dingding. Ang dingding ng aming banyo ay kadikit ng bakanteng kuwarto. Ang bakanteng kuwarto ay lalagyan ng mga abubot. Iyon din ang tulugan kapag nagpupunta ang mga anak ni Ate Tet.

Nagulat ako nang makita ang isang maliit na butas sa dingding ng banyo. Hindi iyon mapapansin dahil nabakbak na ang orihinal na kulay ng pader. Ngayon ko lang napansin iyon. May isang taon na kaming naninirahan sa apartment.

Binalewala ko ang butas. Maaaring ang butas na iyon ay kagagawan pa ng mga dating nag-rent sa apartment na iyon.

Pinunasan ko ng tuwalya ang aking katawan. Nakaharap ako sa butas na nasa dingding. Nagsuot ako ng brief. Pagkaraan ay ang shorts. Lumabas ako ng banyo. Wala na si Ate Tet sa sopang kinauupuan kanina habang nagpuputol ng mga kuko. Maaaring nasa kuwarto nila at nagbibihis. Lumabas ako ng bahay at isinampay ang hinubad kong brief.

Nang pumasok ako sa bahay ay nakita kong lumabas sa bakanteng kuwarto na nasa tabi ng banyo si Ate Tet. Nakatapi pa rin sa katawan niya ang tuwalya. Pagkatapos ay mabilis na pumasok sa kanilang kuwarto. Hindi ko naman iyon binigyang-pansin.

Ang kasalanan ko kay kuya Felipe (SIMULA)


LUMABAS sa banyo si Ate Tet na nakabalot ng tuwalya ang katawan. Sakop ng tuwalya ang kalahati ng puno ng mga dibdib at malaki naman ang lantad sa mga hita.

Nilalampaso ko ang sahig nang lumabas siya sa banyo. Sinundan ko siya ng tingin. May kinuha siya sa kuwarto, lotion at ang box na lalagyan ng pang-manicure. Hindi siya tumitingin sa akin. Nakita kong itinaas nito ang kanang paa, paharap sa akin at ipinatong sa center table. Nalaglag ang laylayan ng tuwalya at nasapol ng tingin ko ang nasa pagitan ng mga hita. Maitim. Isang tumpok. Binawi ko ang tingin. Ipinagpatuloy ko ang paglalampaso sa sahig. Pero panakaw akong sumusulyap. Nagpapahid pa rin ng lotion sa hita at binti. Inililis pa ang tuwalya para mapahiran pa ang dakong itaas ng mga hita.

Binawi ko uli ang tingin at ipinagpatuloy ang paglalampaso sa sahig.

Nang muli akong tumingin ay nakaupo na siya sa sopa. Pero ang pagkakaupo ay katuksu-tukso rin. Nakataas ang kanang paa habang nagpuputol ng kuko. Nakabuyangyang ang harapan na para bang siya lamang ang tao roon. Sarap na sarap sa pagkayod sa dumi ng kuko sa hinlalaki.

Binawi ko ang pagtingin at nag-concentrate sa nilalampaso. Napaka-burara naman ni Ate Tet, naisip ko.

"Anong oras ang pasok mo Jim?" biglang tanong sa akin ni Ate Tet.

"Ala-una po Ate."

"Bukas?"

"Wala po."

"Tamang-tama. Samahan mo akong sumalubong kay Kuya mo sa NAIA."

"Bukas na po ba ang dating Ate?"

"Oo. Dapat daw sa isang buwan pa pero inagahan na niya kasi magra-Ramadan daw."

"Ano pong oras tayo aalis bukas?"

"Mga alas-nuwebe. Alas diyes daw ang dating ng Saudia."

Natahimik. Itinuloy ko ang paglampaso sa sahig. Pati ang kasuluk-sulukan ay nilinis ko.

"Walisin mo nga muna itong mga pinutol kong kuko, Jim.

"Opo Ate."

Kinuha ko ang tambo at ang dust pan sa likod ng pinto sa kusina. Lumapit ako kay Ate Tet at winalis ang mga putol na kuko sa nakakalat sa sahig. Ang tuwalyang nakatakip sa kanyang katawan ay nalilis pa. Nakita ko sa malapitan ang nasa pagitan ng mga hita. Mas maitim sa malapitan.

Binawi ko ang tingin at mabilis na winalis ang mga nakakalat na kuko.


Sunday, August 21, 2011

Katapusan (Nakita ang liwanag)


KATULAD ni Vicky, nasumpungan ko ang liwanag sa center na aking binagsakan. Nakita ko ang mga pagkakamaling nagawa. Pinagsisihan ko iyon. Si Vicky ang umakay sa akin. Tama siya na binigyan pa kami ng pagkakataon para pagsisihan ang nagawa. Sa pagkakataong iyon ko naalala ang mga masasamang ugali na ipinakita ko sa aking asawa. Napag-isip-isip ko ang maling pakita sa kanya at walang katapusang pamimintas at pagparatang na walang pangarap sa buhay. Nagsisi ako sa mga nagawa at kasunod noon ay niyakap ang Diyos. Napaiyak ako sa muling pagyakap sa Diyos na matagal ko ring hindi naalala dahil sa pakikipagrelasyong bawal.

Si Vicky ang nagpayo sa akin na ipaalam ko sa aking asawa at mga anak ang nangyari. Sinulatan ko ang aking asawa at ipinaalam ko ang lahat. Habang ginagawa ko ang sulat ay tumutulo ang aking luha. Sabi ko’y patawarin nila ako sa aking nagawa. Maligayang-maligaya ako nang sumagot ang aking asawa. Pinatatawad ako. Naghihintay daw sila sa aking pagdating.

May dalawang linggo bago naaayos ang mga papeles at dokumento ko. Ang OWWA ang nag-ayos ng mga papeles at nabigyan na ako ng tiket pabalik ng Pilipinas.

Masaya ang pagkikita naming mag-anak. Malalaki na ang mga anak ko. Ang aking asawa’y malusog at matipuno ang pangangatawan sapagkat pumapasok na pala ito sa isang machine shop na rekomendado ng kanyang kumpare. May uugain doon kaysa mag-drive ng jeepney.

Naging maligaya kami. Ang mga masasaklap na pangyayari ay ibinaon na sa limot. Pinagsisihan ko nang labis ang pagkakamaling nagawa at nangako sa Diyos na hindi na mauulit ang masamang bangungot na ako rin naman ang gumawa.

Ilang taon ang nakalipas ay napagkasunduan naming mag-asawa na mamasukan akong DH sa Hong Kong. Balak naming kumuha ng house ang lot sa isang subdivison sa Cavite. Mga ilang taon lang ang aking bubunuin sa HK at tama nang pang-down sa house and lot at para makapag-ipon lang ng para sa pangkolehiyo ng dalawa naming anak.

Sana’y magbigay ng aral ang aking kasaysayan sa mga kababaihang nagtatrabaho sa ibayong dagat.

Maraming salamat sa PSN ang nangungunang tabloid dito sa Hong Kong. * * *

Ika-106 na labas (Katulad din nya si Vicky)


HABANG tumatakbo ang kotse ay patuloy akong tinatanong ng Saudi. Sinabi pa sa akin, na dalawa sa mga maid niya ay Filibin.

Sa sinabi ng Saudi ay lalo akong nabuhayan ng pag-asa.

"Esmi Mohammad Romaili," sabi nito. Siya raw si Mohammad Romaili. Tinanong ang pangalan ko. Sinabi ko.

Nakarating kami sa embassy nang walang problema. Nang bababa na ako ay sinabing mag-ingat ako.

"Ma-as-salama," sabi ko. Paalam.

"Alla yisal, limak," sagot naman nito sa akin. Pagpalain daw ako ng Diyos. Pinatakbo na nito ang kotse pagkatapos.

Maraming tao sa embassy. Sinabi ko sa mga opisyal doon ang nangyari at sila na ang gumawa ng paraan para ako ilipat sa pangangalaga ng OWWA. Dinala ako sa isang center na sadyang laan sa mga run-away maid at doon ako inilagak. Aayusin daw ang aking kaso.

Ang hindi ko inaasahan ay nang makita sa center na iyon si Vicky. Tumakas din pala ito sa kanyang amo. Payat si Vicky. Halatang may sakit. Ang tigas ng mukha ay hindi ko makita. Kaiba noon na may yabang at landi sa mga kilos. Ikinuwento ko ang mga nangyari sa akin.

"Hindi ko na kaya ang ginagawa sa akin ni Mayman. Sinaksak ko siya pero hindi tinamaan."

"Mabuti hindi mo napatay. Mabait si Lord sa atin. Binibigyan pa tayo ng panahon para magsisi."

Binanggit na ni Vicky ang Diyos. Kaiba na nga siya. (Tatapusin)

Ika-105 na labas (Hindi lahat ay masama)


GUSTO kong mawalan ng pag-asa nang hindi ako tulungan ng Pinoy na taxi driver na pinara ko. Kung sino pa ang kababayan ay nagkait ng tulong. Natakot marahil nang mapansin na punit ang aking daster. Nakahalatang may masamang nangyari sa akin. Hindi ako tinulungan at baka siya masabit sa kaso. Ibig kong umiyak sa pagkakataong iyon.

Hanggang sa makita ko ang isang paparating na sasakyan. Pinara ko. Hindi ko napansin na isa pala iyong private car at hindi limousine (tawag sa taksi sa Saudi). Mas lalo akong nagulat nang makitang ang driver ay isang Saudi.

"Weyn tamshi? Keif akhdemak?" tanong sa akin matapos ibaba ang bintana ng kotse. Saan daw ako pupunta.

Hindi ako makasagot sapagkat baka kapahamakan muli ang aking kamtin. Baka sa halip na tulungan ako ay ipahamak ako. Baka ibalik pa ako sa bahay ni Mayman.

"Me ain taji?" tanong pa ng Saudi. Saan daw ako galing.

Hindi pa rin ako sumasagot.

"Ain taskon?" tanong pa uli.

Bumunghalit na ako ng iyak. "Anajdah! Sa-edni," sabi ko pagkatapos. Tulungan niya ako. At ipinagtapat ko na ang pangyayari. Na gusto akong reypin ng aking amo at tumakas ako para hindi mangyari ang masamang balak. Ipinakita ko ang wakwak na bahagi ng daster. Tatangu-tango ang Saudi. Sa mga mata ay naroon ang simpatya at pagkaawa sa akin.

"Taal, Filibin," sabi. Pinasasakay ako sa kotse. Ibinukas nito ang pintuan sa hulihan.

"Taal. Mosta, jel," bilisan ko raw at baka abutan ako ng aking amo. Sa sinabing iyon ay nagkaroon ako ng lakas ng loob na tutulungan ako ng Saudi. Hindi niya ako isusuplong o kaya ay ibabalik sa bahay na aking pinanggalingan. Mabilis akong sumakay sa kotse.

Tinanong ako kung alam ko saang lugar ang Philippine Embassy. Ang embassy noon ay nasa may Olaya District pa. Siguro’y may kalahating oras takbuhin mula sa aming tirahan sa may Naseem.

Sinabi ko ang lugar at mabilis na pinatakbo ng Saudi ang kotse. Ang naramdaman kong kaba ay unti-unti nang nawawala. Safe na ako sa hayok na si Mayman. Hindi na niya ako mahahabol. Kinapa ko ang bread knife na nasa aking bulsa. (Itutuloy)

Ika-104 na labas (Hindi na papayag)


PARANG walang anuman kay Mayman ang ginawa sa akin. Normal lamang iyon. Bago kami lumabas ng kuwarto ay sinabi sa aking ayusin ang kama. Baka raw may makita ang kanyang zowja at malaman ang aming ginawa. Ang walanghiya at kahit na nakitang hindi ako makatayo ay nag-utos pa. Wala naman akong karapatang tumanggi. Pinalitan ko ang kubrekama at inayos ang pagkakasalansan ng mga unan. Ang carpet sa ibaba ay akin ding inayos. Natupi iyon nang bumagsak ako sa kama. Nakatingin sa akin si Mayman habang ginagawa iyon. Tiyak na walang naiwang ebidensiya sa ginawa namin.

"Jayyeb," sabi ni Mayman at kinambatan akong lumabas na. Siniguradong sarado ang kuwarto. Saka mabilis na bumaba at tinungo ang pintuan. Narinig ko ang pagbuhay ng makina ng koste at lumabas sa gate.

Hindi ko itinuloy ang ginagawa sa kusina. Bahala na kung dumating si Mrs. Mayman na hindi ko pa nalilinisan ang mga gagamitin niya sa pagluluto ng lahm qanam (karneng tupa). Kung pagalitan niya ako ay gawin na niya. Matutulog ako at bahala na. Masakit na masakit ang puwit ko. Walanghiya ka Mayman! Walanghiya! Subalit ang pagkasuklam na iyon ay pansamantalang nawala nang masalat ko sa bulsa ng daster ang ibinigay na pera. Dinukot ko iyon at isinama sa mga nakatago kong pera sa ilalim ng aking mga damit.

Nang dumating si Mrs. Mayman at nakitang hindi malinis ang mga gagamiting kaldero ay tinanong ako kung ano ang nangyari at ang mga gagamitin niya’y hindi pa malinis. Sabi ko’y maridh. Me sakit ako. Nakataas ang kilay na iniwan ako.

Kinabukasan ng tanghali ay muling dumating si Mayman at gagamitin na naman ako. Pero ang hindi niya alam ay napaghandaan ko na siya. Hindi ko na kaya ang sakit na idinulot niya kahapon. Lalaban na ako. Nakahanda na ang kutsilyo sa bulsa ng aking daster. Isang kadyot at tapos na ang paghihirap.(Itutuloy)