Saturday, August 6, 2011

Ika-56 na labas (Inutil ang asawa)

"ISANG iglap lamang at natupok na ang katawan ng tinedyer kong amo. Iyon na ang simula at dalawa na silang gumagamit sa akin. Pero bago ako magpagamit, pera muna."

Gimbal ako sa mga sinabi ni Vicky. Hindi ko akalaing magagawa niya iyon para matukso at mapagkakuwartahan ang mga amo niyang tinedyer. Kung iisipin, ang makagagawa lamang ng ganoon ay ang mga babaing putatsing na masyado nang desperado sa buhay at kailangang kumita sapagkat kailangang-kailangan. Ganoon na ba kadesperado si Vicky at umabot sa ganoon kalala ang pagkita niya ng pera. Sa tingin ko naman ay hindi pa ganoon ka-desperado si Vicky at may natitira pang dangal. Hindi rin naman ganoon kahirap ang buhay sa Pilipinas para magawang kalakalin ang katawan. Kahit na driver ang asawa e kumakain pa rin naman ng tatlong beses sa maghapon. Katulad namin, kahit na driver ang asawa ko at walang pangarap e hindi pa naman sumasala sa pagkain. Hindi pa naman hirap na hirap para kalakalin nang todo ang katawan.

Ang katanungan ko sa isip ay si Vicky na rin ang sumagot.

"Sawang-sawa na ako sa buhay sa atin. Gusto ko namang guminhawa. Wala akong aasahan sa asawa ko kung siya lang ang pagtatrabahuhin ko. Tutal naman at wala nang mawawala sa akin kahit na magputa rito sa Saudi, ginawa ko nang hanapbuhay. Mas mabuti na rito kaysa sa atin ako magputa. Dito, dollar ang kapalit doon barya-baryang piso."

Lalo pa akong nagimbal sa mga sumunod pang sinabi ni Vicky. Wala rin naman daw maibigay sa kanya ang asawang driver dahil inutil na. Matanda na raw ang asawa niya. Hindi na siya kayang paligayahin. Hindi na raw "tumatayo" ang sandata.

"Dito kumikita na e nasasarapan pa," nagtawa si Vicky at napansin kong napatingin muli ang dalawang lalaking kumakain sa katabing mesa. Sinenyasan ko si Vicky na hinaan ang boses.

"Hanggang dito lang naman tayo puta. Pagdating sa Pilipinas, hindi na. Kailangan nating kumita di ba?"(Itutuloy)

No comments:

Post a Comment