Monday, August 15, 2011

Ika-92 na labas (Dumating ang inaasahan)


 SUBALIT ako na rin ang pumatay sa mga sariling alalahanin bunga ng pagkakabanggit ko sa maraming pera na aking nakita. Hindi magagawa ni Rashid ang magnakaw para lamang may maibigay sa akin. Bagamat may mga tarantadong kabataan sa Saudi, malaki ang pagkakaiba ni Rashid sa kanila. Hindi nito magagawa ang naiisip ko. Malaki ang takot ni Rashid sa mga magulang. Iyon nga lamang, magaling maglihim ukol sa nangyayari sa aming pagsasalo sa aking kuwarto. Kahit naman sino ay maiintindihan na ang paghahanap ng ligaya o masasabing adbentura ay bahagi ng buhay ng kabataan na tulad ni Rashid. At ang masaklap nga lamang sa katulad kong maid o DH nasubukan ni Rashid ang "tigas" ng kanyang pagkalalaki. Ako ang nakauna sa kanya. Kung tutuusin, ako ang mas masuwerte sapagkat nakatikim ng "birheng" lalaki. Siguro’y mabibilang sa mga kababaihan ang nakatitikim ng "birhen" o walang karanasan. Iyon nga lamang "hindi binyagan" ang aking natiyempuhan pero okey din naman. Walang ipinagkaiba sa mga "binyagan". Ganoon din ang lasa at linamnam. Nalalasap at nararamdaman.

Hindi na ako bumanggit kay Rashid nang anuman tungkol sa perang nakita ko na binibilang ng kanyang amang si Mayman. Idinako ko sa iba ang usapan para hindi na niya maalala. Pinakiusapan ko na kung maaari ay mag-iingat siya sa pagpunta sa aking kuwarto kung gabi at baka mahuli kami ng kanyangwaled at waledah. Sabi ko pa’y mahirap na. Ako ang maiipit kapag nangyari ang ganoon. Tiyak na ipakukulong ako sapagkat mabigat na kasalanan ang pakikiapid. Idinagdag ko na huwag nang gabi-gabi kung pumunta siya sa kuwarto. Baka kami mahuli.

"La, mafi muskila," sabi ni Rashid at umiling-iling pa. Wala raw problema at hindi ako dapat matakot.

"Ahaza momken," sabi ko. Posibleng mangyari iyon. Maaaring mahuli kami sa akto.

"Haza mostahil," 
sagot ni Rashid. Imposible raw na mahuli kami.

Hanggang sa muntik na ngang mangyari ang aking inaasahan. Isang madaling araw na kaaalis ni Rashid sa aking kuwarto ay dumating si Mayman. Hindi ko inaasahan.

(Itutuloy)

No comments:

Post a Comment