Sunday, August 21, 2011

Ika-97 na labas (Bakit pa iiyak)


GUSTO kong umiyak makaraan ang pangyayaring iyon pero hindi ko na ginawa. Hindi bagay para sa isang katulad kong mahilig sa adbentura. Hindi ba’t iyon ang gusto ko kaya nagpunta sa isang lugar na hindi ko kabisado? Hindi ba’t iyon ang pangarap ko noon kaya kahit na ayaw pumayag ng aking asawa ay nagpumilit pa rin ako. Gusto kong makatikim ng ginhawa sa buhay. Bakit pa ako iiyak?

Hindi ko nga inaasahan ang pagbibigay ni Mayman ng pera. Isang libong riyal iyon ang iniabot sa akin. Nakaupo ako sa kama ng iabot iyon. Tapos nang magbihis si Mayman. Hindi ko inabot ang pera. Idinuldol na mabuti sa akin. Nang hindi ko pa rin tanggapin ay inilagay sa aking tabi. Wala akong kakibu-kibo. Ang hapdi sa aking pagkakababae ay nararamdaman ko pa. Makirot ang pagkakapasok ng hayok sa aking pagkababae. Walang paggalang. Hindi katulad sa pagpasok ng kanyang anak na naging marahan at dahan-dahan.

"Elaleqa," iyon ang sinabi ni Mayman matapos ibaba ang pera sa aking tabi. Mauulit daw uli ang nangyari. Saka ay narinig ko ang mahinang tawa – tawang nasisiyahan.

"Lateef," sabi pa nito. Narinig ko na iyon noon sa kanya. Okey daw ako. Nice raw ako. Hanggang sa ang mga sinasabi ay halos wala na akong maintindihan.

Pagkaraan ay ipinatong ang palad sa aking balikat at tinapik-tapik iyon. Nagpahiwatig ng matinding kasiyahan.

Bago lumabas ay inulit na magkikita uli kami. Sinabi na iyon daw ang simula ng madalas niyang pagpunta sa aking kuwarto. Pero huwag daw akong magsusumbong sa kanyang sowja (asawa). Huwag na huwag daw.

Mabilis itong lumabas ng kuwarto at kinain ng dilim. Naiwan akong nakaupo sa kama katabi ang isang libong riyals. (Itutuloy)

No comments:

Post a Comment