Thursday, August 4, 2011

Ika-25 na labas (Naglalaro si Rashid)

(Ika-26 na labas) PARANG kuryenteng gumapang ang init sa aking pagkatao bunga ng pagkakahawak ni Rashid sa kanang kamay ko. Aywan ko kung sinadya niya iyon o nagkataon lamang dahil sa pag-aabot ko ng bola sa kanya. Para akong mababaliw sa hatid na hindi maipaliwanag na init. Damang-dama ko ang pangungulila.

Subalit napigil ko pa rin ang aking damdamin na huwag magpakita na ng motibo sa tinedyer kong amo. Gustuhin ko man na magpadama na ng pagkagusto sa kanya at gumawa ng hakbang para kami magkasarilinan, napigil ko pa rin ang aking sarili. Ang sikad ng pagnanasa ay napawi ko rin sa isang iglap. Mahirap! Maaaring maglagay sa isang sitwasyong ako ay makulong at biglang mapauwi sa Pilipinas. Paano ang pangarap kong makaahon sa kahirapan? Ako na rin ang nagbuhos ng tubig sa init ng aking pagnanasang tumutupok na sa katauhan.

Hindi naman nakahahalata si Rashid sa namumuo kong pagkagusto sa kanya. Sa pakiwari ko, wala pa siyang kaalam-alam na pinagpapantasyahan ko ang kanyang kaguwapuhan. Iyon ang pagkakaalam ko. Aywan ko nga lamang, kung may itinatago siya at nagtatanga-tangahan. Iyon ay sa kabila na nasilip na niya ang itinatago kong malulusog na "papaya". Hindi ko alam kung nagkukunwari lamang siya o naghihintay lamang na ako ang gumawa ng hakbang. May mga lalaking gusto pang ang mga babae ang magpakita ng motibo. Ganoon din siguro sa mga Saudi.

Minsan, isang hapon, hindi ko inaasahang makikita si Rashid sa isang hindi kaaya-ayang tanawin. Hindi ko malaman ang gagawin sa pagkakataong iyon. Umakyat ako sa itaas para linisin ang comfort room. Itinulak ko ang pinto sa pag-aakalang walang tao roon. Nasa loob si Rashid at may "nilalaro". Gimbal ako. (Itutuloy)

No comments:

Post a Comment