Sunday, August 14, 2011

Ika-71 na labas (inagip ni rashid)


 WALANG kakilus-kilos si Mr. Mayman sa pagkakadapa sa kama. Nang ibuhos ko ang lotion sa palad ay para akong laruang de-susi na ang lahat ay ginagawa nang walang pagtutol. Hindi ko alam kung bakit nang ilapat ko ang palad na may lotion sa balahibuhing likod ni Mr. Mayman ay para pang may nagtutulak sa akin na ihaplos ko nang maayos iyon. Gawin ko iyon ng marahan at huwag akong titigil. Baba-taas ang pagmamasahe. Malambot ang laman sa likod ni Mr. Mayman na para bang kasinglambot ng karneng tupa na madalas at paborito nilang kainin. Para bang na-engkanto ako sa pagkakataong iyon na ginagawa ko ang pagmamasahe.

Kumilos si Mr. Mayman at isinenyas ng kanang kamay ang bahaging dapat ko pang masahehin. Sumunod ako at iyon ang aking tinarbaho. Naglagay uli ako ng lotion sa palad. Sa lakas ng pagkapindot ko sa lalagyan ay may tumapon sa sahig. Wala na akong pakialam. Hindi ko na rin binigyang-pansin kung mabango ang lotion.

Kumilos pa si Mr. Mayman at isinenyas ang bahaging hita. Doon naman daw siya masahehin. Sumunod ako bagamat parang napapaso. Pababa nang pababa raw ang masahe. Sinunod kong muli. Sa pakiramdam ko’y ginaganahan si Mr. Mayman sa aking pagmamasahe.

Sa aking pagkabigla ay biglang tumihaya si Mr. Mayman at nasapol ng tingin ko ang "ari" na nakasaludo. Iyon ang ibinundol niya sa aking puwitan noon. Matigas sa pagkakasaludo ang "ari".

Gimbal ako sa ginawa niyang pagtihaya na para bang may isasagawa na ang balak.

Saka sa pagkagimbal ay pagkarinig namin sa nagbukas ng gate sa ibaba. Igtad si Mr. Mayman at sinilip sa bintana kung sino iyon.

"Jay Rashid," sabing nataranta. Paparating daw si Rashid. Inutusan akong lumabas sa kuwarto. "Anta masmuh lez zehab!" Magmadali raw ako sa pag-alis sa kuwarto. Noon ako nagkaroon ng pag-asa. Iniligtas ako ni Rashid sa panganib.

(Itutuloy)

No comments:

Post a Comment