Thursday, August 4, 2011

Ika-24 na labas (Nakuryente)

(Ika-25 labas) KORAT qadam o football ang pambansang laro sa Saudi Arabia. Halos lahat ng mga batang lalaki ay sinasanay nang maglaro ng football. At si Rashid ay isa sa mga nagmamahal sa larong iyon. Ipinagyabang sa akin na maliit pa lamang siya ay nag-aaral na ng football. Mahusay daw siyang football player, pagkukuwento pa ni Rashid. Sa school daw nila ay siya ang star player. Ganoon man, sinasabi ito sa paraang hindi nagyayabang.

At kapag napansin na parang wala akong interes sa kanyang ikinukuwento ay mabilis na kukunin ang bolang pam-football sa kanyang kuwarto at saka yayayain ako sa bakuran. Ipakikita nito kung paano laruin ang football. Una’y ipinakita ang pagsipa sa bola, patakbu-takbo habang sinisipa na kunwa’y may kalaban saka biglang sisipain at ang bola ay babangga sa pader na para bang iyon ang net o goal. Malakas ngang sumipa ang kumag. Sa tingin ko nga ay mahusay siya at halatang nag-aaral ng tamang paglalaro ng football.

"Kuwais," sabi ko nang sipain niya ang bola.

May isang pagkakataon na sa lakas ng pagkakasipa ay lumampas iyon sa bakod at bumagsak. Tuwang-tuwa naman si Rashid sa nangyari.

Hindi ko na hinintay na utusan niya ako para kunin ang bola. Mabilis akong nagtungo sa gate, binuksan iyon at hinanap ang bola. Nakita ko naman agad iyon sa kalsada. Dinampot ko iyon at mabilis na dinala kay Rashid. Iniabot ko kay Rashid.

Sa pag-abot ko ng bola ay kasamang nahawakan ang aking kamay. Aywan ko kung gaanong boltahe ng kuryente ang nanulay matapos mahawakan iyon ni Rashid. Sumagitsit ang init sa aking pagkatao. Nakababaliw.

(Itutuloy)

No comments:

Post a Comment