Sunday, August 21, 2011

Ika-98 na labas (Ibig nang sumuko)


 MATAGAL bago ko nagawang ayusin ang sarili. Nadarama ko pa ang kirot sa sugat na nilikha ni Mayman. Malaki ang "armas" ng hayok na nagdulot ng hapdi.

Dinampot ko ang riyals na bayad sa pagpuputa. Wala na akong magagawa pa. Natikman na ako ng hayop at inaasahan ko na ang madalas niyang pagpunta sa kuwarto. Tutuparin niya ang sinabi na muli kaming magtatagpo. Ngayong walang narinig sa aking pagtutol, lalo nang malakas ang loob ng hayok na ulitin muli iyon.

Tinupad nga ng hayok ang sinabi. Kinabukasan, dakong ala-una ng madaling araw ay dumating na naman sa kuwarto ko. Naipagpasalamat kong hindi nagpunta si Rashid sa kuwarto.

Mahilig talaga si Mayman. Ipinakita sa muling pagsibasib sa akin.

Nalaman ko mula sa kanya na may menstruation ang kanyang sowja (asawa). Huwag na raw akong masyadong dathat (masalita) at mapagtanong. Basta sundin ko na lamang daw siya.

Kung anu-anong "makamundo" ang ipinagawa niya sa akin. Gusto kong masuka sa hayok na si Mayman.

Parang ibig ko nang bumigay sa matinding hirap. Ibig ko nang tumakas. (Itutuloy)

1 comment:

  1. Tfal Titanium Pan | Titsanium Art
    T. titanium earrings Pan titanium watch band is a medium-rare pan art, titanium scooter bars for ages. It's a very simple pan art with a 2016 ford fusion energi titanium very minimalist feel. This pan is easy to learn and easy $2.99 · ‎Out of stock titanium hair

    ReplyDelete