Sunday, August 14, 2011

Ika-82 na labas (Sa kuko ng hayok)


"JAYYEB!"

Pahingal na halos ang pagkakasabi niyon ng gorilyang si Mayman. Okey daw. Maganda.

Hindi ko nga makita sa pagkakataong iyon kung bakit sabik na sabik sa ibang putahe si Mr. Mayman. Gayong kung tutuusin ay mas maganda namang di-hamak sa akin ang kanyang asawa. Kapag pinagmamasdan ko si Mrs. Mayman ay hangang-hanga ako dahil perpekto ang pagkakahugis ng mukha. Maganda ang mga mata. Bagamat mataba na, ay naroon pa rin ang angking ganda. Talo pa ni Mrs. Mayman ang ilang beauty queen. Malaki rin ang kanyang mga "papaya".

Hindi ko maintindihan si Mayman kung bakit nagkainteres sa akin. Siguro nga’y sawa na siya sa putaheng Saudi at ang gusto naman niya ay putaheng Pinay. Gusto niyang subukan kung gaano kasarap ang kayumanggi.

Sa pagkakatingin ko sa mga mata ni Mr. Mayman ay para bang nagliliyab iyon. May pagkagahaman nang damahin at tuluyang pisilin ang mga nakabiting "papaya". Napapikit ako. Wala akong magawa kundi hayaan ang mga kuko ng lawin na duruin ang kalambutan ng mga "papaya". Sabik na sabik sa paghawak si Mayman na para bang noon lamang nakadama ng "papaya".

Ang hindi ko inaasahan ay nang simulan niyang lasahan ang isa sa mga papaya. Napapikit pa ako nang maramdaman ang init ng dila sa isa sa mga papaya. Mainit ang dating sa balat ng papaya.

Pagkaraa’y tinikman na ng hayok na lawin..

"Lateef," sabi pa matapos tikman. Ako’y walang kakibu-kibo sa kanyang ginagawa. (Itutuloy)

No comments:

Post a Comment