Sunday, August 14, 2011

Ika-83 na labas (Sabik na sabik ang lawin sa pagkain ng papaya)


SABIK na sabik ang lawin sa pagkain ng ‘‘papaya’’. Parang noon lamang nakakain ng hinog na ‘‘papaya’’. Parang mauubusan sa pagkain.

Napapikit na lamang ako at hindi makakilos sa pagkakatayo habang nagpapasasa ang hayok. Walang kapiyok-piyok habang nananalasa ang lawin. Siguro’y tanga ako o sadyang takot. Naisip ko kung tatanggi ako at lalaban, wala rin akong magagawa sa hayok. Baka sa paglaban ko, halimbawa’y damputin ko ang asythray sa mesa at ipukpok sa ulo niya, gaano na ang ibibigay na sakit niyon. Malaking lalaki si Mayman at kayang-kaya akong pigain. Baka sa pagpipilit kong tumanggi ay kung ano ang gawin sa akin. Baka sa pagkabitin at pagkabigo sa gusto sa akin ay patayin ako. Ano ang ikakaya ng tulad kong isang babae? Kahit na nga natatandaan ko pa ang mga itinuro ni Vicky, wala ring magagawa sa pagkakataong iyon na sakmal-sakmal na ako ng hayok na si Mayman. Tiyak na hindi na ako nito hahayaang makakawala pa. Tiyak kong magkakagulo sa buong Saudi Arabia kapag hindi nasunod ang gusto ni Mayman. Baka mas matindi pa ang galit niya kay Saddam Hussein ng Iraq. Tiyak kong maghuhuramentado si Mayman.

Nang tikman niyang lahat ang mga "papaya" pakiramdama ko’y tinamaan ako ng mabangis ng daluyong. Para akong bangka na siniklot ng malaking alon. Nagdilim lalo ang paligid. Ang init ng paglasa sa papaya ay nagpawala sa aking katinuan. Walang ikinaiba sa ginawa ni Rashid sa mga papaya nang unang gabing magsalo kami. Ganoon din ang naramdaman ko, iyon nga lang may lihim akong pagmamahal kay Rashid samantalang sa kanyang si Mayman ay wala.

Ang pagdidilim ng paligid ay lalo pang nadagdagan nang maramdaman ko ang pagbatak ni Mayman sa garter ng aking panty. Pababang hinatak hanggang sa maalis iyon.

Iyon ang pinagnanasaan ni Mayman. Wala na talagang makapipigil sa hayok na lawin na namugad sa dakong iyon ng Naseem sa Riyadh, Saudi Arabia.

"Tamatta’a," sabi ni Mayman sa kasiyahan. (Itutuloy)

No comments:

Post a Comment