Thursday, August 4, 2011

Ika-26 na labas (Di - inaasahang tanawin)

(Ika-27 labas) NAWALA sa aking isipan na nakarating na nga pala si Rashid mula sa unibersidad ng hapong iyon. Naging ugali na kasi nito na pagkarating ay diretso sa kanyang kuwarto sa itaas at matagal bago bumaba. Hindi ko alam kung natutulog o kung nag-aaral ng kanyang mga subjects. Siguro’y may isang oras o mahigit pa bago ito lumabas sa kanyang kuwarto. Magpapatimpla lamang sa akin ng shay (tea) at saka manono-od ng TV sa salas o kaya’y bubutingtingin ang airgun.

At nang hapon ngang iyon ay isang nakagigimbal na tanawin ni Rashid ang aking nakita. Naging masipag ako ng maghapong iyon na ang lahat na yata ng dumi o libag sa kabahayan ay gusto kong simutin. Pati ang comfort room sa itaas ay pinuntahan ko para linisin. Kahit alam kong hindi pa marumi iyon ay binalak kong linisin.

Nakasara nang bahagya ang pinto ng CR. Mga dalawang inches lamang siguro ang pagkakaawang ng pinto. Buhay ang ilaw sa loob ng CR sapagkat nakasanayan na. Mura lang kasi ang kuryente sa Saudi kaya kahit magdamag na bukas ang ilaw ay okey lang.

Itinulak ko ang pinto at labis ang aking pagkagimbal sa nasaksihang ginagawa ni Rashid. Nakatagilid ito at nilalaro ang pagkalalaki. Nakababa nang hanggang tuhod ang suot na puting padyama (pang-ilalim sa sutana) at nag-iimadyin habang ang kaliwang kamay ay nakatukod sa pader. Halos ay hindi niya namalayan ang aking pagpasok.

Napaigtad si Rashid nang makita ako. Ang mga mata’y hindi malaman kung saan ititingin. Hindi ko na hinintay pa ang mga susunod na pangyayari at mabilis akong lumabas ng CR.

(Itutuloy)

No comments:

Post a Comment