Monday, August 15, 2011

Ika-88 na labas (Sa muling pagdagit)


 ALAM kong hindi titigil si Mayman hangga’t hindi niya napapasok ang "kuweba". Inaasahan ko na iyon. Ang pagkakapigil sa kanya para mapasok ang "kuweba" ay lalo pang nagdulot ng pagnanasa. Tiyak kong maghihintay lamang ito nang magandang tiyempo. Ang lawin daw kapag nakatikim ng laman ay paulit-ulit na dadagit. Hindi titigil hangga’t hindi nauubos ang pagkain. Babalik-balikan iyon hanggang sa wala nang matira. Buto at balat na bago iwanan. Sa kaso ng amo kong si Mayman, nalasahan na niya ang lahat at ang kulang na lamang ay ang pag-angkin. Mas lalo pa marahil magiging hayok sapagkat ang biktima ay walang laban at mahina. Ewan ko kung bakit hindi ako makapiyok. Siguro nga’y mahina ako at iyon ang dahilan para samantalahin ng hayok na si Mayman. Iniisip din niyang gusto ko rin. Na ako’y naghahanap din.

Nang lumabas ako sa silid gusto kong ipaalala ang sinabi niya sa akin bago ako nayakag sa kanyang kuwarto. "Kam el-ojra le-laila waheda?" Magkano raw kung makikipag-sex ako sa kanya ng isang beses. Sa himig ng salita ni Mayman ay parang ipinalagay na ako ay isang babaing bayaran. Pokpokin. Prosti. Puta. Halata ko sa tinig ang pagkahayok at pagiging mahilig sa laman. Para bang alam na ako’y babaing mahilig din. Hindi kaya naikuwento na ni Rashid sa ama ang tungkol sa akin. Hindi marahil magagawa sa akin ni Rashid iyon.

Nang gumabi ay hindi ko nakita si Rashid. Habang nagtatrabaho ako sa laundry ay madalas kong pakiramdaman kong hahanapin niya ako. Wala. Hindi bumababa ng bahay. Ang hayok na si Mayman ang nakikita kong patingin-tingin sa akin. Habang naglilinis ako sa garahe ay madalas pumunta roon. Kahit hindi ko nakikita ang ekspresyon ng mukha, alam kong gigil na gigil na sa akin.

Nang mag-alas-dose ng hatinggabi, may mahihinang katok akong narinig sa aking kuwarto. Kinabahan ako. Baka ang hayok na si Mayman iyon at itutuloy ang nauntol na pagpasok sa "kuweba".

Subalit mali ako, si Rashid ang kumakatok. Pinapasok ko sa kabila na maaaring nakaabang at nagbabalak din ang kanyang mahilig na waled.

(Itutuloy)

No comments:

Post a Comment