Monday, August 15, 2011

Ika-87 na labas (Mahina o tanga?)


"HAL tafhamani?" tanong ni Mayman bago lumabas na at naging malikot ang mga mata.

"La afhamok," sagot kong mahina. Hindi ko maintindihan. At mabilis nang lumabas makaraang isara ang pinto.

Sumilip muli ako. Iniabot ang bola kay Rashid na noon ay nasa puno pa rin ng hagdan. Nag-usap sandali at nakita kong umakyat na si Rashid patungo sa kanyang kuwarto. Maaskad ang mukha na parang asar sa ama. Nagdadabog pa nang isalya ang pinto ng kanyang kuwarto. Dinig na dinig ko.

Lalabas na sana ako para samantalahin ang pagpasok ni Rashid subalit mabilis namang nakasugod si Mayman sa kuwartong kinaroroonan ko at pinagbantaan ako. Huwag daw akong magsasalita kahit na kanino. Lalo na sa kanyang zowja (asawa). May mangyayari raw sa akin. Isusumbong ako na nagnanakaw ng pera at alahas.

"Hal tafhamani?"

Hindi ako umimik. Sa sandaling iyon ay aywan ko ba kung bakit hindi ako makagawa ng hakbang para lumaban. Para akong nanghihina.

Binuksan nang marahan ni Mayman ang pinto at lumabas ako. Subalit bago ako nakalabas ay pinisil ng gorilya ang aking mga "papaya". Sakim ang pagpisil. Nabitin na naman ang hayok dahil sa pagdating ng anak.

"Esmali li," sabi pa na ang ibig sabihi’y pahintulutan ko uli siya.

Walanghiya, nasabi ko sa sarili.

(Itutuloy)

No comments:

Post a Comment