Thursday, August 4, 2011

Ika-16 na labas (Humahanga sa akin)

NAPANSIN kong madalas ang pag-alis sa bahay ni Mrs. Mayman. Kung minsan ay kasabay ito ng kanyang asawa sa umaga at kung minsa’y aalis sa dakong tanghali. Nalaman ko katagalan na sa isang klinika nagtatrabaho si Misis. Hindi ko nagawang urirain kay Rashid kung saan nagtatrabaho ang kanyang ina. Hindi pa kasi ako sanay mag-Arabic at marami pang hindi alam na salita. Basta ang sabi ni Rashid ay nasa mustaspha ang kanyang ina.

Kay Rashid ko rin nalaman na ang trabaho ni Mr. Mayman ay isang docomentation specialist sa isang unibersidad. Bukod sa pagtatrabaho sa unibersidad ay mayroon din itong tindahan. Sinabi sa akin ni Rashid ang mga iyon sa paputol-putol na Ingles at Filipino. Kapag nakaalis ang mag-asawa ay makikipagkuwentu- han sa akin si Rashid habang may ginagawa ako sa laundry room o di kaya’y sa kitchen o sa salas. Nakatingin sa ginagawa ko na parang bang humahanga sa akin. Kapag pinupunasan ko ng alikabok ang mga gamit sa salas at nahuhuli kong nakatingin sa akin.

Ang pinag-aaralang unibersidad ni Rashid ay malapit lamang sa aming tirahan. Papasok ito sa umaga at sa dakong alas dos o alas tres ay darating na. Kami lamang ang magkasama sa bahay sapagkat si Mr. at Mrs. Mayman ay inaabot pa ng gabi sa kanilang tindahan. (Itutuloy)

No comments:

Post a Comment