Thursday, August 4, 2011

Ika-19 na labas (Nakakaaliw kausap si Rashid)

MA ma na dak?" tanong sa akin ni Rashid na bahagya kong ikinagulat. Nakangiti sa akin ng sabihin iyon. Para bang sinusubukan ako kung hanggang saan na ang aking nalalaman sa kanilang wika.

"Ano ‘yon?" tanong ko at bahagyang inilapit ang mukha sa tagiliran ni Rashid.

"Anoh ‘yon?" inulit ang aking sinabi. Parang nakaloloko ang tinig.

"Ano nga?"

"Ma ma na dak? What does that mean. Ikaw sirah uloh talagah," sabi at tinampal ako sa braso. Napapitlag ako sa ginawa.

Gumanti ako at tinampal ko rin sa hita. Napaigtad naman ang kumag.

"La," sabi at nagseryoso ng mukha. pagkuwa’y dinampot ang kaputol na sanga ng eucalyptus at nilaru-laro. Napagmasdan ko si Rashid at muli na naman akong humanga sa kaguwapuhan nito. Perpekto ang mukha ng tinedyer at napakaganda ng tabas ng ilong. Ang mga mata ay maiitim na parang nangungusap at kapag tumatawa ay nakatawa rin ang mga iyon. Manipis ang mga labi.

Kalabisang sabihin na "makalaglag-panty" ang kaguwapuhan ng amo kong tinedyer. Walang sinabi ang kaguwapuhan ng mga artistang Pinoy. Lahat ay itutumba ni Rashid.

Nahuli niya ang pagtitig ko at nakatawang tinanong ako "Maza tarid?"

Hindi na naman ako makasagot. Saka sinabi sa akin ang kahulugan. Ano raw ang gusto ko?

Gusto ko nang sabihin na siya ang gusto ko.

(Itutuloy)

No comments:

Post a Comment