Monday, August 15, 2011

Ika-90 na labas (Sa ngalan ng anak)


"HAYAWAN," iyon ang gusto kong itawag kay Rashid ng mga sandaling iyon na nalulunod ako sa kaligayahan. Hayop iyon sa Arabic. Naikumpara ko si Rashid sa isang hayop na ulol. Subalit hindi marahas ang kanyang pagkaulol. Naroon ang paggalang sa akin at hindi sa isang baboy ang turing. Kaiba si Rashid kaysa kanyang amang hayok na tila ang pagkakilala sa akin ay isang putatsing o pokpok.

Wala na ngang namagitang pag-uusap sa amin ni Rashid at sinimulan ang ritwal. Para bang matagal kaming hindi nagkita gayong tatlong beses isang linggo ay nagpapakasawa kami sa kuwartong iyon. Doon sa aking kuwarto nagaganap ang mga ritwal. Mas madalas nga ay sa hatinggabi at kung minsan ay kung hapon sa paglabas niya ng unibersidad.

"Maza za altani?" tanong ko kay Rashid makaraan kaming mag-sex. Bakit niya ako hinahanap nang dumating siya galing sa unibersidad kahapon.

Hindi agad sumagot si Rashid at ipinatong ang mga braso sa aking dibdib, malapit sa malalaking "papaya". Pagkuwa’y inilapit ang bibig sa aking tainga.

"Mafi, walah lang," sabi sa utal na Filipino. "Gustoh koh kasi..." at itinuon ang hintuturo sa aking dibdib.

Nakuha ko ang ibig niyang sabihin. Hinahanap daw niya ako dahil gusto niyang mag-sex kami. Wala nang paliguy-ligoy pa ang tinedyer. Gusto niya akong ka-sex.

Nagtaka naman ako nang hindi ako bigyan ng pera matapos ang aming ritwal. Naisip ko, siguro’y nalimutan niya.

Hindi ko inungkat iyon sa kanya. Kung hindi niya ako bigyan, okey lang. Gusto ko rin namang magsalo kami sa ligaya. Kahit walang kapalit na pera ay okey na. Mahal ko naman si Rashid. Mahal ko ang hayop. (Itutuloy)

No comments:

Post a Comment