Thursday, August 4, 2011

Ika-44 na labas (Araw-araw na pagmamahalan)

PERO hindi ko na pala dapat gawin ang pagpunta sa silid ni Rashid para kami magkasarilinan at magkaniig. Nang gabing iyon, dakong alas-dose ay nakarinig ako ng mahihinang katok sa pinto ng aking kuwarto. Hindi ko muna binuksan at pinakiramdaman ko muna. Nang marinig ko ang boses ni Rashid ay saka ko tuluyang binuksan.

"Laila-tak sa, ida," bati sa akin.

"Maza tarid?" tanong ko. Ano ang gusto niya at nagpunta sa aking silid. Nagpapakipot ako kahit na alam ko na rin naman ang gusto niya kaya nasa aking silid.

Siya na ang nagsara ng pinto. At inakay ako patungo sa aking kama. Niyakap ako at pareho kaming bumagsak sa kama. Lumangitngit ang kama dahil sa bigat. Hindi na mapigilan si Rashid at ang mga itinuro ko sa kanya’y nalaman na niya. Marunong na marunong na. Naging matapang na at malikot ang tinedyer.

Ang aming pagniniig ay naging araw-araw na. Pagdating niya galing sa unibersidad ay magtutuloy na sa aking kuwarto. Ako naman ay nakahanda na rin. Nakapaligo na ako at parang prinsesa na naghihintay sa prinsipe. Gusto ko ang pangyayaring iyon. Hindi ako pinilit ni Rashid. Inaamin kong mahal ko na rin siya. Wala na rin akong pakialam kung ang gusto lamang niya sa akin ay ang katawan ko at gusto lamang akong pagpraktisan. Hindi ko na iniisip iyon. Gusto ko ang ginagawa niya sa akin. Natitighaw ang aking uhaw.

May pagkakataon na sa kuwarto niya kami nagpapakaligaya. Noon ko lamang napasok ang kuwarto niya na kumpleto sa mga kasangkapan. May sariling TV, ref at kung anu-ano pa. Mas maganda ang kama at napakalambot. Nasabi ko tuloy na sana’y meron din ako ng mga kasangkapang iyon.

Ang hindi ko inaasahan ay nang abutan pa ako ng pera ni Rashid. Limandaang riyals na iniabot sa akin matapos ang aming pagniniig. Hindi na ako nagpapakipot pa at agad tinanggap ang pera. Subalit nakokonsensiya rin ako sapagkat parang lumalabas na isa na akong prostitute. Pero ano ang aking magagawa kundi tanggapin ang pera. Kailangan ko rin naman iyon. (Itutuloy)

No comments:

Post a Comment