Sunday, August 21, 2011

Ika-103 na labas (Dumanas ng hirap)


PARA akong sisiw na sinalakay ng mabangis ng lawin. Sa matinding sakit na naranasan, nagpahiwatig ako ng pagtutol sa ginagawa ni Mayman. Ayaw ko. Mahapdi. Unang karanasan sa paraang iyon. Subalit ang pagtanggi ay walang epekto sa isang hayok na gaya ni Mayman. Para siyang lawin na matagal na hindi nakakakain ng biktimang sisiw. Ang pagmamakaawa ng biktima ay tumagos sa kanang taynga at walang anumang lumabas sa kabila. Mahigpit ang pagkakahawak ng kuko ng masibang lawin. Bagamat nahirapan sa simula ay hindi naging hadlang para hindi ituloy ang gusto. Nai-shoot. Talagang hayok! Sanay na sanay. Gusto kong panawan ng ulirat.

Minsan ko nang narinig na ganoon daw ang mga Saudi kapag mayroong menstruation ang kanilang mga asawa. Anal sex ang binabagsakang paraan. Payag naman daw umano ang mga kababaihan. Kaya marahil, nag-aasawa nang hanggang apat ang mga Muslim, para kung may mens ang tatlo, may isa pang natira. Mayroong reserba. Sa kaso ni Mayman na iisang asawa, ang "malapit sa katotohanan" ang binibira kapag may mens. At nangyari nga sa akin. Totoo na hindi ligtas ang babae kahit me "pulang dalaw" sa hayok na Saudi. Kahit saang butas ay puwede. Hayok talaga at hindi na inisip ang sakit na idinulot sa akin.

"Mafi muskila," sabi pa sa akin. Para akong mamamatay na matapos ang kakaibang ritwal. Unang karanasan doon. Nang tingnan ko ang hayok, butil-butil ang pawis nito sa noo at braso. Tinangka kong tumayo subalit makirot ang bahaging iyon. Hindi ako makakilos nang normal. (Itutuloy)

No comments:

Post a Comment