Sunday, August 21, 2011

Ika-95 na labas (Pagtanggap sa kapalaran)


"ANO raw ang aking gusto?" Iyon ang eksaktong kahulugan ng maza torid. Hindi ko alam kung ano ang gustong ipakahulugan ng hayok kaya iyon naitanong. Nakatingin siya sa akin at ang mga mata nito sa aking pagkakatingin ay tila nagliliyab sa pagnanasa. Malamlam ang ilaw na dulot ng lampshade sa aking kuwarto. Ang tama ng liwanag sa mga mata ni Mayman ay lalo pang nagbigay buhay sa tinataglay na pagnanasa sa aking katawan.

Ano ang isasagot ko sa kanyang tanong? Wala. Para akong pi-ping manika. Tanggap ko na ang aking kahahantungan. Wala nang magagawa pa. Tatanggapin ko ang lahat sapagkat iyon din naman ang aking hinahanap. Bahala na kung ano ang mangyari. Bahala na.

Naililis nang walang sagabal ang laylayan ng suot kong daster. Naigala ang mga kamay sa dakong kinasabikan. Nabatak ang garter ng aking puting panloob. Naipasok ang kamay sa loob niyon. Muling naghanap at naabot ang kuweba na tinangkang pasukin noon. Naglaro pa roon. Napapikit ako sa ginagawa ng hayok. Wala akong maramdaman sapagkat sariwa pa ang sugat na inihatid ng kanyang anak na si Rashid doon. Walang hatid ang ginagawang paglalaro sa kuweba. Hindi dumadaloy ang kuryente. Kung si Rashid siguro ang gagawa niyon ay baka maagang naghatid ng boltahe at nagputukan na ang fuse.

Inalis ang paglalaro sa kuweba at idinako sa dakong itaas. Nahirapang salungahin ang burol. Mula roon ay naabot muli ang mga "papaya". Sabik kahit na nalasahan na ang mga prutas. Wala ring hatid na kuryente ang pagpindot at pagpitas. Walang siklab.

Namalayan ko na lamang ang paglaglag ng aking damit sa paanan. Nahatak pababa ang panloob at umabot hanggang tuhod. Dumausdos na iyon sa mga paa.

Katapusan ko na nga sa hayok na si Mayman. Nakita ko nang hubarin niya ang suot na thob.(Itutuloy)

No comments:

Post a Comment