Sunday, August 14, 2011

Ika-66 na labas (Huwag daw akong malungkot)


 HINILA ko na si Rashid sa loob ng kuwarto at baka may makakita sa amin. Kahit na imposibleng gising pa sina Mr. at Mrs. Mayman sa ganoon kalalim na gabi, hindi ko rin inaalis na baka may makakita sa aming dalawa. Ngayong galit sa akin si Mrs. Mayman tiyak na mas malaking gulo ang mangyayari kapag nakita niya sa kuwarto ko ang kanyang anak. Baka patayin na niya ako o ipakulong sa mga motawa. Baka papugutan ako ng ulo.

Mabilis namang isinara ni Rashid ang pinto ng kuwarto at inakbayan ako. Tinungo namin ang kama at naupo roon. Maya-maya’y humilata si Rashid sa kama. Lumangitngit ang kama nang lumatag ang katawan. Ako ay nanatili sa pagkakaupo. Iniisip ko ang maaaring kahantungan ng aming pagkikita ni Rashid. Isa lamang ang kahahantungan niyon: Magtatalik na naman kami. Magsasawa na naman ang tinedyer sa aking katawan. Panibagong paglusong na naman sa kasalanan ang aking haharapin. Pagkaraan naming magtalik ay aabutan ako ng pera ni Rashid. Bayad sa "pagpokpok"

Nahalata yata ni Rashid ang pag-iisip ko at umisod palapit sa akin at niyakap ang kanang kamay sa aking baywang.

"Mut-assif waledah," sabing mahina sa akin. Sorry raw sa ginawa ng kanyang ina sa akin. Hindi nga nalingid kay Rashid ang pagmura sa akin.

Itinaas niya ang paghawak sa aking baywang at nasapol ang aking dibdib. Nakadama ako ng kiliti.

"Mut-assif," sabing pag-ulit ni Rashid.

Humarap ako sa kanya at tumango bilang pagtanggap sa pagsu-sorry niya para sa ina.

"Me ain taji?" tanong pagkaraan. Saan daw ako galing at nagalit ang kanyang waledah.

Sinabi kong may nakita akong kababayan at kumain kami sa restoran sa Batha. Nagkuwentuhan at nakalimutan kong umuwi bago mag-lunch.

Napatangu-tango si Rashid. Saka sinabing wala naman akong kasalanan. Huwag ko na raw intindihin ang nangyaring iyon. Huwag daw akong mag-isip. At lalo pa akong nasiyahan nang sabihin nitong nasasaktan din siya kapag nakikita niya akong nalulungkot. Gusto raw niya ay lagi akong masaya.

"Mabsut," sabi pa at itinuloy ang paglikot sa nakabiting mga "papaya".

Ilang saglit pa at nagsasalo na naman kami sa ligaya. Parang matagal na hindi nagsalo. Ibinigay ko ang gusto ni Rashid.

(Itutuloy)

No comments:

Post a Comment