Thursday, August 4, 2011

Ika-39 na labas (Nadarang ako sa baga)

 BAKIT ako magpa-plastik pa? Gusto ko na rin. May isang taon na rin ako sa Saudi at hindi ko ipagkakaila na hinahanap ng aking katawan ang "init" ng pagmamahal. Bagamat may takot, hindi ko na iyon pinansin sapagkat mas malakas ang hatak na lumusong na ako sa kumunoy. Kakaibang pakikipagrelasyon. Iyon ang unang pagkakataon na makikipagniig ako sa isang lalaki na nagkataong Saudi pa. Guwapo. Bata at sariwa. Inaamin ko, nakalimutan ko nang ako’y may asawa sa Pilipinas. Inalis ko sa aking isipan na ako’y may dalawang anak. Ang nasa isipan ko noon ay masubhan ang nadarama kong init. Kailangang maganap ang matagal ko na ring pinapangarap.

Pinalis ko ang kamay ni Rashid na naglalaro sa aking mga "papaya". Inalis ko ang sagabal na damit. Lahat nang hadlang. Nakita ko ang mga mata ni Rashid na para bang nakakita ng ahas. Nakatingin habang inaalis ko ang mga sagabal. Mas lalong namangha nang ilapit ko sa kanyang mukha ang mga "papaya".

Pagkaraa’y inalis ko ang mga sagabal niya sa katawan. Marahan ang pag-aalis na para bang nag-aalis ng damit sa isang sanggol na kailangang pag-ingatan upang huwag masaling ang mga bahagi ng katawan. Sa pakiwari ko’y may pagkapahiya si Rashid sa aking ginagawa. Maging ito’y hindi makapaniwala na nangyayari na sa kanyang buhay ang matagal na niyang ninanasa.

Ginawa kong sanggol si Rashid. Bineybing masyado. Pinasubsob sa aking kandungan. Naabot ang pinapangarap. Gusto niya. Gusto ko. Ibang klaseng sanggol si Rashid. Malakas. Makapangyarihan. Yumayanig sa aking pagkatao. Noon ko nalaman na kakaiba pala ang Saudi. Mas marahas kaysa naranasan ko na. Hindi basta-basta.

Ang akala kong may gatas pa sa labing tinedyer ay isa na palang mahusay na mandirigma. (Itutuloy)

No comments:

Post a Comment