Thursday, August 4, 2011

Ika-42 na labas (Maligaya na may pera pa)

PARANG walang anumang nangyari sa amin ni Rashid. Nang marinig namin ang busina ng sasakyan mula sa gate ay mabilis na nakatayo si Rashid at naisuot ang damit. Pabalibag na binuksan ang pinto ng aking kuwarto at lumabas para buksan ang mga magulang. Mabilis din naman akong bumangon at nagbihis. Lumabas ako sa kusina at sinimulan ang mga gawain. Masaya ako habang gumagawa. Malaking tulong ang pagkakapagniig namin ni Rashid. Naging inspirado ako sa paglilinis ng mga gagamiting kaldero ni Mrs. Mayman. Hindi ko na kinainisan ang maanggong amoy ng tupa na paboritong lutuin. Naging mabango na sa akin ang lahat. At kahit pa siguro ako sigawan ni Mrs. Mayman ay hindi ko iintindihin. Paano’y hindi maipaliwanag na kasiyahan ang aking nadarama.

Kinagabihan, dakong alas-dose ay hindi pa rin ako inaantok. Nakahiga ako pero nakatingin lamang sa kisame. Iniisip ko ang mga nangyari sa amin ni Rashid. Ninanamnam ko ang tamis ng aming pagmamahalan. Iba pala ang bata at sariwa. Mas agresibo at matatag. Masarap magpaligaya si Rashid. Ang tigang na disyerto ay binukalan nang maraming tubig. Umapaw pa nga at naglagos sa kung saan-saang lagusan. Naghanap ng mararaanan at naganap ang hindi maipaliwanag na pagkabuhay ng mga tigang na halaman sa disyerto. Kakaibang karanasan sa piling ng isang dayuhan.

Naisip ko ang ibinigay na pera ni Rashid. Ang 500 riyals ay marami nang bagay na mabibili. Maaari nang ibili ng alahas at ilang pirasong damit. Nalunod ako sa pag-iisip kung ano ang bibilhin ng perang iyon.

At kung palagi akong bibigyan ni Rashid ng pera, makaiipon ako. Kung sa bawat "paglalaro" namin ay bibigyan niya ako ng 500 riyals, gaano karaming pera iyon. Tiyak na hindi lamang alahas at damit ang aking mabibili pati na rin mga kasangkapan tulad ng TV at iba pa. Maliligayahan na, ay kikita pa ako.(Itutuloy)

No comments:

Post a Comment