Sunday, August 14, 2011

Ika-80 na labas (Hayok na lawin)


SIGURO’Y ang pagkagahaman na rin sa pera ang isang dahilan kung bakit naging sunud-sunuran na ako sa utos ng gorilyang si Mayman. Isa pa ring dahilan ay ang aking pagkatakot sa banta nito na isusumbong ako kay Mrs. Mayman sa gagawin kong pagnanakaw sa kanyang pera. Ayaw ko nang humaba pa ang usaping iyon na ako rin sa dakong huli ang maiipit. Ano ba ang laban ko sa kanila?

Sumunod ako kay Mr. Mayman sa kuwarto. Para nga akong laruang-de-susi na sunod nang sunod sa anumang iutos. Hindi ko magagawang lumaban sa isang katulad ni Mr. Mayman na para bang isang lawin na handang sakmalin ang sisiw. Hindi ko magagawang tumakbo sapagkat parang may pabigat sa aking mga paa.

Nang pumasok ako sa kuwarto ay wala nang damit pang-itaas si Mr. Mayman. Ang dibdib ay punumpuno ng balahibo. Nakakalat ang balahibo hanggang sa bahaging tiyan at pusod at hanggang sa ibaba pa. Para siyang gorilya gaya nang napanood ko minsan sa TV.

"Mosta jel," sabi ni Mr. Mayman. Bilisan ko raw. Ako ay parang na-hipnotismo. Nakatingin lamang ako kay Mr. Mayman.

"Ta al, Nelia, ta al," lumapit pa raw ako.

Humakbang ako palapit sa kanya. Nakatutok ang tingin ko sa kanyang didbib na mabalahibo.

Paglapit ko sa kanya ay para akong sisiw na dinaklot ng lawin. Niyakap ako nang mahigpit at hinalikan. Ulol na ulol at gutom na gutom ang lawin. Hayok sa sisiw.

Sa isang iglap ay nahubad ang aking damit. Naalis ang aking bra at tumambad ang mga "papaya". Takam na takam ang lawin sa nakita.

"Jamil," sabing mahina ni Mr. Mayman. Maganda raw.

(Itutuloy)

No comments:

Post a Comment