Thursday, August 4, 2011

Ika-43 na labas (Di malimutang pgsasalo)

 BALEWALA ang pera kay Rashid. Iyon ang pagkaobserba ko sa aking among binatilyo. Mayaman kasi sila kaya kahit na ipamigay ang pera ay puwede. Gaano na ang 500 riyals gaya ng ibinigay sa akin. Maliit na halaga iyon. Sinuma ko kung magkano ang 500 riyals kapag pinalit sa peso. Noon ay P8 sa bawat 1 riyal ang palitan. Apat na libong piso ang katumbas! Malaki na! At isiping dalawang oras lamang nagkapiling ng guwapo kong amo.

Sa palagay ko, galante si Rashid at kaunting malambutsing lamang ay bibigay na agad sa sinumang hihiling. Kaunting lambing ay baka ibigay na ang buong Saudi Arabia makamtan lamang ang hangad. Hindi siya marunong tumanggi at panay "oo".

Sa tipo ni Rashid ay magtatapon ito ng pera makamtan lamang ang gusto. Kapag may nagustuhan ay hindi titigil hangga’t hindi nakukuha at natitikman. Nasubukan ko na nga nang unti-unti siyang makatikim ng ligaya sa akin. Parang maubusan sa pagmamadali. Parang wala nang bukas at gusto’y ibuhos na lahat ang nalalaman at lakas. Ubos kung ubos at patay kung patay.

Sa totoo lamang, lubhang may "kahiligan" si Rashid. Akala ko noong una ay tipong babaklain sapagkat parang hindi makabasag-pinggan. Iyon pala ay kabaligtaran. "Mahilig" pala ito. Gusto’y makarami nang makarami.

Naalala ko tuloy ang kuwento ng kapitbahay kong dating domestic helper din dito sa Saudi Arabia, na balewala raw kung magtapon ng pera ang mga Saudi kapag nagbabakasyon sa Pilipinas. Dala-dalawang babae raw kung kumuha sa club at malalakas daw uminom ng alak. Masyadong sabik ang mga Saudi sa babae at alak.

Ibang klase ang "L" ng mga Saudi sa katawan. Gaya ni Rashid na hindi ko malimutan kahit na sa pagtulog. Pabiling-biling ako. Gusto kong magkatabi na kami sa bawat sandali. Sa tindi ng pangangarap ay naisip ko: Ano kaya at pasukin ko na si Rashid sa kuwarto nito. Tutal malalim na naman ang gabi at tulog na sina Mr. at Mrs. Mayman. (Itutuloy)


No comments:

Post a Comment