Sunday, August 21, 2011

Ika-101 na labas (Magulo ang isip)


SA katindihan ng pag-iisip sa mga nangyari sa aking buhay ay parang may nagbubulong sa aking magpakamatay na lamang para matapos na ang lahat. Sa kabiyak na bahagi ng aking utak ay may bumubulong na uminom ako ng lason samantalang sa kabilang bahagi ay may tumututol. Huwag ko raw gagawin ang aking naiisip.

At mahihimasmasan ako. Parang nagising sa isang mahabang pagkakatulog. Bakit ko nga ba tatapusin ang aking buhay? Kung saan ako nadapa ay doon din magbangon. Mas masuwerte pa rin ako kaysa ibang DH sapagkat hindi naman ako sinasaktan. Ang ibang DH sa Saudi kung minsan ay hindi pinasusuweldo ng kanilang amo. Ang iba ay hindi pinakakain at kapag nagkamali ay katakut-takot na parusa ang ibinibigay. Merong sinasabunutan, sinasampal at ang iba ay pinaplantsa o binubuhusan ng mainit na tubig. Ako, hindi naman nangyari sa akin ang mga iyon. Ako pa nga ang binibigyan ng pera, pero ang kapalit nga lang ay ang aking katawan.

Gayunman, hindi ko rin naitago kay Rashid ang pangamba. Napansin niya iyon minsang nagpunta sa kuwarto. Gusto niyang mag-sex kami pero ayaw ko. Nagtaka.

"Maza yani zalek?"

Hindi ako sumagot. Niyakap ako. Wala akong reaksiyon.

"Qol li," sabi pa.

Hindi ako sumagot sa halip ay umiyak ako.

Hindi ako napilit na sabihin ang dahilan at hindi rin ako napilit sa kagustuhan niyang mag-sex kami.

(Itutuloy)

No comments:

Post a Comment