Friday, August 5, 2011

Ika-47 na labas (Gagastusin ang pera)

 IYON ang unang pagkakataon na nagpaalam ako kina Mr. at Mrs. Mayman para lumabas. Karaniwan nang sa malapit na grocery lamang ako nagpupunta para mamili ako ng mga personal na gamit pero nang sabihin sa akin ni Rashid na sa Batha ay maraming panindang Pinoy ay doon ko binalak pumunta. Isa pa’y balak kong bumili ng mga alahas. Unang pagkakataon na gagastusin ko ang perang iniaabot sa akin ni Rashid matapos kaming magtalik.

Nang magpaalam ako kay Mrs. Mayman ay nakita kong nanlaki ang mga mata nito. Maganda si Mrs. Mayman subalit kapag merong hindi maintindihan o naguguluhan ay lumalaki ang mga mata at pumapangit. Sinabi kong pupunta ako sa Batha. Biyernes naman. Ano raw ang gagawin ko sa Batha, tanong ni Mrs. Mayman.

"Arrid at sawwaq," sagot ko. (I want to go shopping).

Ano raw naman ang aking mga bibilhin at kailangan ko pang magpunta sa Batha. Nanlalaki pa rin ang mga mata. Si Mr. Mayman ay nakatingin lamang sa amin.

"Arid ashri hizaa, malabis..." (I want to buy shoes, clothes...)

Hindi ko sinabi na balak kong bumili ng alahas. Baka iyon pa ang maging mitsa para malaman ang aming relasyon ng kanyang anak. Kapag nalamang bibili ako ng alahas ay baka itanong kung saan ko kinuha ang pera.

Pinayagan din ako. Bumalik daw agad ako bago mag-lunch. Marami raw siyang ipagagawa sa akin.

Nang lalabas na ako sa gate ay nakita ko si Rashid at hawak ang airgun. Nginitian ako. (Itutuloy)

No comments:

Post a Comment