Thursday, August 4, 2011

Ika-37 na labas (Sunud-sunuran na ako)

TAHIMIK at mabait si Rashid. Malaki ang kanyang kaibhan sa ibang kabataang Saudi. Subalit sa pagkakataong iyon ay nakita kong mapangahas na siya at hindi na rin inaalala na masyadong mahigpit sa kanilang bansa. Ang pakikialam niya sa akin may ilang araw na ang nakalilipas ay lalo lamang nagpaulol sa sinisikil na damdamin at pagnanasa. Gusto na niyang matuklasan ang mga kasagutan sa mga katanungang nagpapahirap sa kanya. Ang igkas ng pagkalalaki ay hindi na niya maaaring pigilan at sa akin niya iyon gustong ibuhos.

Hindi ko magawang tumanggi at naging sunud-sunuran na kay Rashid sa kabila nga na maaari kaming mapahamak. Malambot ako. Inaamin ko na madaling matukso. At sino ba namang babae ang hindi matutukso sa kaguwapuhan ng aking amo. Inaamin ko rin na mahirap mag-isa sa Saudi Arabia. Hindi ako tatagal na walang kasama sa kama.

"Mosta," sabi sa akin ni Rashid. Bilisan ko raw ang kilos.

Isang iglap ay nasa kuwarto na kami. Ako na ang nagsara ng pinto. Ikinandado ko. Kung anuman ang mangyayari, hindi basta makapapasok ang kung sino.

Nanatili ako sa pagkakatayo sa may pinto. Pinakikiramdaman ko ang gagawin ng aking among bagito. Nakatingin siya sa akin na parang ako pa ang hinihintay na gumawa ng unang hakbang. Pero nang hindi ako kumikilos ay ngumiti ito sa akin at sinabihang lumapit sa kanya. Hindi ako kumilos na para pang nagpapakipot.

"Tal, Nelia," sabi pa na halos hindi ko marinig. Sa tingin ko ay lalong gumuwapo si Rashid.

Lumapit ako. Hindi ko inaasahan ang gagawin niyang pagyakap sa akin. Mahigpit ang pagkakayakap. Halos hanggang balikat ako ni Rashid. Nawalan kami ng panimbang pareho subalit napakagaan ng aming pagkakabagsak sa kama. Lumangitngit.

"Kuwais," sabi pa nito nang nakahiga na kami.

Sa loob-loob ko’y ito na nga ang hinihintay ko. Maiibsan ang uhaw na aking nadarama. Subalit naganap ang aking inaasam, dinukwang ni Rashid ang nakabalot sa brown envelope. Binuksan iyon. Isang magazine pala ang laman. Magasing playboy. Nagtataka ako kung saan niya nakuha iyon. Tahimik nga pero pilyo ang aking amo. (Itutuloy)

No comments:

Post a Comment