Saturday, August 6, 2011

Ika-54 na labas (Nagpapagamit din si Vicky)

PATIKIMIN ko raw ang amo kong tinedyer at saka ibitin. Tiyak daw na hahabol ito at doon ako mag-demand ng pera. Money down muna saka "dyug-dyug". Itinuktok pa ni Vicky ang hintuturo sa mesa.

"Masasarapan ka na ay kikita pa," sabi pa ni Vicky at tumawa. Hinagilap nito ang Pepsi in can at uminom. Bakit kaya alam na alam ni Vicky ang gawaing ganoon? Parang sa himig ng pananalita ay ganoon ang ginagawa ni Vicky. Gusto kong sabihin kay Vicky na alam ko at kabisado na ang sinabi niya. Matagal na akong "tinitikman" ng tinedyer kong amo at nagkakapera na nga ako. Gusto kong sabihin na ang mga ibinili ko ng damit at alahas ay galing sa pagpuputa ko kay Rashid. Ganoon man pinigil ko ang aking sarili.

"Siguro ay naitatanong mo sa iyong sarili kung bakit alam ko ‘yan, ano?" Tanong ni Vicky.

Napatango ako. Inurira ko na kung bakit nga niya alam.

"Ganyan ang nangyari sa akin noon. Ikalawang balik ko rito sa Saudi. Nasa Jeddah pa ako noon. Ang dalawang tinedyer ng aking amo ang nagpraktis sa akin. Noong una, hindi ko masikmura, nang tumagal, kinuwartahan ko na ang mga loko. Ibinitin ko sila. Hindi ako "nagpapagamit" hangga’t hindi nagbibigay ng pera. Limang daang riyals bawa’t "gamit". Malilibog ang mga walanghiya. Gusto e araw-araw akong gamitin. Pero kaya kong utuin. Sabi ko minsan isang linggo lang."

Habang ikinukuwento ni Vicky ang "pagpuputa" niya ay nakatingin akong walang kakurap-kurap sa kanya. Kay Vicky ay parang balewala ang pagpuputa. Ang mahalaga e may pera. Siguro’y makating babae rin si Vicky. Katulad ko rin siya na madaling malaglag ang panty kapag nakakakita ng guwapo.(Itutuloy)

No comments:

Post a Comment