Thursday, August 4, 2011

Ika-32 na labas (Natangay ng ipu-ipo)

(Ika-33 labas) UMUNAT sa pagkakahiga si Rashid sa aking kama at lumangitngit iyon. Malaking tao si Rashid at halos lumampas ang mga paa sa kama. Sa pag-unat ay nalantad sa manipis na sutana ang harapan at naaninag ko ang "ari". Ayaw kong tingnan ang harapan subalit tuksong naalala ko naman ang nakita sa comfort room may ilang araw na ang nakararaan. Malinaw na malinaw sa aking isipan ang mala-kabayong "pag-aari" na mahihiya ang nasa San Lazaro at Santa Ana. Tumindi ang nararamdaman kong pagnanasa sa binata kong amo. Aywan ko kung anong nangyayari sa sarili ko. Para akong mawawala sa sarili. Sa pagkakataon ding iyon ay para akong papel na tinangay ng ipuipo. Tumindi ang tama sa aking nagbabagang katawan. Tiningnan ko na nang tuluyan ang nakabakat na ari sa manipis na sutana ni Rashid. Natutupok na ako.

"Ta’al," sabi ni Rashid na ikinagulat ko. Pinalalapit ako.

Kung gusto ko raw maupo sa kama. Baka raw nahihirapan na ako sa pagtayo. Bahagya nitong iniisod ang mga paa palayo. Nagbabaga pa rin ang aking katawan. Sa pakiramdam ko ay may mangyayari na sa pagkakataong iyon. Ayaw kong isipin iyon subalit may nagbubulong sa akin na maaaring maganap ang aking inaasahan.

"Ejles," sabi pa ni Rashid.

"Ala keif ek," sagot ko naman.

Naupo ako. Lumangitngit ang kama sapagkat nadagdagan ng bigat. Malapit na! Patuloy ang pagbulong sa akin. Nakita kong muli ang larawang nakita ko sa comfort room. Hindi nagbabago ang laki at kulay ng para sa kabayong "ari".

Kumilos si Rashid at hinawakan ang aking likod. Ito na ba? Parang hindi ako makapaniwala.(Itutuloy)

No comments:

Post a Comment