Sunday, August 14, 2011

Ika-77 na labas (Pagbibigyan sa kahilingan)


BINA-BLACKMAIL na ako ng gorilyang si Mayman. Kapag hindi raw ako pumayag sa gusto niya ay isusumbong ako sa kanyang asawa. At tinakot akong masamang magalit si Mrs. Mayman. Isusuplong ako sa motawa. Ang walanghiya! Mabuti pang hindi ko ibinigay ang pera at nang magkatotoo na ang bintang. Ako ang iniipit.

"La," sagot ko at nagpatuloy ako sa paglakad. Gusto ko nang tumakbo palabas ng bahay at bahala na.

"Ta al hona!" Huwag daw akong umalis.

Binalaan pa ako na kapag nakarating kay Mrs., Mayman ang lahat ay tiyak na masama ang mangyayari. Kung anu-ano pa ang pananakot. Pumayag na raw ako sa gusto niya.

"Taffadal ela telk al-ghorfa," sabi pa ng gorilya. Pumunta na raw kami sa silid niya sa itaas.

Para akong ipinako sa pagkakatayo. Hindi na yata ako makaliligtas sa maniac na si Mr. Mayman. Naisip ko, kung pagbigyan ko na siya para hindi na humaba pa ang gulo. Ano pa ba ang ipagmamalaki ko na halos nakasadlak na sa putik dahil sa pakikipagrelasyon sa anak niyang si Rashid? At babayaran pa ako.

"Ta al," tawag ni Mr. Mayman sa akin. Halika. (Itutuloy)

No comments:

Post a Comment