Thursday, August 4, 2011

Ika-12 na labas (Ninanakawan ako ng tingin)

NAG-EENJOY ako sa paglilingkod kina Mr. Mayman. Ang aking pagkabahala noon na ang mga Saudi raw ay malulupit at walang pakialam sa kanilang maid ay hindi naman pala totoo. Mabait naman ang mag-asawang Mayman. Iyon nga lamang, kapag kinakausap ako nang malapitan ni Mr. Mayman ay hindi maiwasang sulyapan ang aking malulusog na boobs. Maraming beses ko na ring napapansin iyon. Masyado kasing halata ang lusog ng aking mga "papaya" na kahit naka-suot ako ng maluwang na abaya ay halata pa rin ang umbok. Hinayaan kong tingnan iyon ni Mr. Mayman. Ano ba naman iyon, hindi naman niya makukuha. Napapansin ko na kapag, lumalapit naman ang kanyang misis ay mabilis na binabawi ang pagtingin sa aking boobs.

Inaamin ko na mula nang maging maid ako sa bahay na iyon ay nakalimutan kong mayroon nga pala akong pamilya na dapat ay padalhan ng sulat at ipaalam ang aking kalagayan sa Saudi. Nakalimutan kong isulat sa kanila ang aking address para masulatan ako. Isa rin iyon sa masama kong ugali na madaling makalimot. Paano nga’y enjoy ako sa aking napuntahan at natitiyak kong magtatagal ako sa paninilbihan sa pamilyang Mayman.

Pinilit ko ring makasulat sa aking asawa. Maikli lamang. Sabi ko sa kanya, maayos naman ang kalagayan ko. Mababait ang amo at iisa ang anak. Bagamat maraming trabaho at napupuyat kung minsan e okey lamang sapagkat maalalahanin ang aking mga amo.

Inaamin kong walang lambing at pagmamahal ang aking sulat sa aking asawa. Nasa akin pa rin kasi ang pagkainis na wala siyang pangarap at nagkakasya na lamang sa pagiging jeepney driver.

Nangarap naman ako ng nangarap habang nasa Saudi. At pati si Rashid ay sumama sa aking panaginip. Kaming dalawa ni Rashid ay "naglalaro ng apoy".- (Itutuloy)

No comments:

Post a Comment