Thursday, August 4, 2011

Ika-27 na labas (Ako ang pinapantasya)

 MARAHIL ay nasa kasukdulan na si Rashid sa ginagawa nang ako ay pumasok sa kanilang comfort room. Nakapikit ito na parang nag-iimadyin habang "naglalaro" ang kanang palad at ang kaliwa ay nakatukod sa pader. Ganoon pala iyon. Noon lamang ako nakakita ng lalaking ayon sa mga narinig ko’y "nagpaparaos". At nang magmulat nang mga mata si Rashid ay nakita ko rito ang pagkapahiya. Hindi malaman kung ano ang gagawin sa pagkakadiskubre sa kanyang ginagawang "paglalaro". Nabulabog ko ang kanyang pag-iimagine.

Naitanong ko sa aking sarili kung sino ang kanyang inaalala ng mga sandaling iyon. Sa mahigpit nilang bansa na ang mga babae ay balot na balot sa itim na kasuutan, sino ang pag-aalayan ni Rashid ng kanyang "paglalarong" iyon. Mahirap din naman sigurong mag-imagine kung walang aktuwal na nakita. Siguro’y nakapanood siya sa telebisyon ng malaswa o baka sa Betamax (nang mga panahong iyon ay hindi pa gaanong uso ang VHS player) kaya gumana ang utak at naglaro.

At aking naisip, hindi kaya ako ang pinagpapantasyahan ni Rashid? Nakita na niya minsan ang mga nakabitin kong "papaya" noon. At lalaki si Rashid, banyaga sa kanya ang tanawing iyon at siguro’y muli niyang binabalik-balikan sa isip. Unti-unting ni-rewind hanggang sa umabot sa kasukdulan.

At dumating nga ako na naging istorbo sa pag-abot niya sa mga bituin. Nakawala ang laksa-laksang bituin at hindi na maaari pang hulihin.

Mabilis nga akong bumaba ng bahay at nagtuloy sa aking kuwarto at nahiga. Hindi ang pagkagulantang ni Rashid ang nakalarawan sa aking isip kundi ang di-pangkaraniwang laki ng kanyang "nilalaro." Napabuntung-hininga ako. Sunud-sunod. (Itutuloy)

No comments:

Post a Comment