Thursday, August 4, 2011

Ika-38 na labas (Sinusubukan sa akin)

 SA pagkagulat ko ay inilabas ni Rashid ang magasing Playboy. Paano nagkaroon ng magasin ang amo kong ito gayong marami ang bawal sa kanilang bansa. Ang magazine ay halatang hindi na bago sapagkat bahagyang may punit na ang cover. Halatang pinagpasa-pasahan na ng mga tumingin doon. Minsan na akong nakabuklat ng ganoong magasin sa bahay ng aking pinsan noon. Hindi ko malaman kung saan nanggaling iyon. Maski nga ang larawan ni Tetchie Agbayani sa isang katulad ding magazine ay nakita ko na rin. Nag-aaral pa ako noon sa kolehiyo.

"Kuwais," sabi pa ni Rashid at binuklat sa harap ko ang magazine.

"Muskila," sabi ko. Problema ang magazine na iyon. Baka makita sa kanya ng mga magulang ay kung ano ang mangyari.

"Mafi muskila,"
 sagot naman sa akin. Wala raw problema. Ipinagpatuloy ang pagbubuklat. Ipinakita sa akin ang mga posisyon doon ng mga modelong babae. May nakabukaka. May nakatuwad na bagamat hindi lubusang kita ang "bulaklak" at tanging ang mga papaya ang nakalantad ay parang isang malaking kayamanan na kay Rashid. Halatang sabik na sabik. Halatang ulol na sa pagnanasa. Kabataan pa kasi, sumusulak ang dugo. Ayaw kong sulyapan ang namumukol na harapan ni Rashid subalit hindi ko kaya ang tukso. Tinutukan ko ng tingin. Naimadyin ko nang "nilalaro" niya iyon sa comfort room.

Nagsawa si Rashid sa kabubuklat sa magazine. Kumilos ito at muling ipinatong ang kamay sa aking likuran. Gumapang patungo sa manggas ng suot kong blusa. Pumailalim. Naabot ang aking riyya (bra) at pumailalim hanggang sa maabot ang "papaya". Katulad nang nakaraan, parang asong ulol na naman si Rashid. Wala nang makapipigil sa asong gutom. Mas pipigilin ay magwawala.

Gusto ko na rin at hindi ko na pahihirapan. Bahala na! Pinalis ko ang kamay ni Rashid at ako na ang nagtanggal ng sagabal. Nakatingin sa akin si Rashid habang ginagawa iyon. Parang nakakita ng ahas nang malantad ang aking kabuuan. Hindi makapaniwala.

Ilang saglit pa at tinuruan ko na si Rashid ng mga gagawin niya. Hindi ako isang maid sa pagkakataong iyon. (Itutuloy)

No comments:

Post a Comment