Sunday, August 14, 2011

Ika-67 na labas (Sekreto ng lakas)


 MADALING mahalin si Rashid. Lalo pa ngang nadagdagan ang pagmamahal kong iniuukol sa kanya makaraang pakitaan niya ako ng suporta sa ginawang pagmura sa akin ng kanyangwaledah (ina). Huwag daw akong malungkot. Kalimutan ko raw ang mga sinabi ng kanyang waledah. Nalulungkot din daw siya kapag nakikita niya akong walang gana. Nasiyahan ako sa sinabi niya. Paano ko pa maiiwasan ang lalaking ito na sa kabila nang malaking agwat ng aming edad ay nagpakita ng pagsuporta sa akin.

At wala nga akong maigaganti sa kanya kundi ang aking sarili. Kahit na nga hindi niya ako bigyan ng pera ay okey lamang sa akin. Gusto ko rin naman ang ginagawa niya sa akin.

Nagpaubaya ako sa marahas na pag-angkin ni Rashid sa aking katawan. Habang tumatagal, napapansin ko na mas nagiging agresibo si Rashid. Matatag at walang kapaguran sa pakiwari ko. Naalala ko na baka malakas ngang kumain ng sariwang dates at gatas si Rashid kung kaya malakas at walang kapaguran. Minsan ay nasabi ni Rashid na ang isa raw sa paborito niyang kainin ay dates sapagkat nagpapalakas ng katawan. Ang mga ninuno raw niya o ang mga sinaunang Saudi ay nakatatagal sa disyerto dahil sa pagkain nang maraming dates. Kung minsan nga raw ay itinatambal ito sa gatas ng kamelyo. Hindi nagbibiro si Rashid sapagkat totoo raw ang kakaibang lakas na idinudulot ng dates. Sabi ko nga sa kanya minsan ay bigyan niya ako ng dates na kakukuha lamang sa puno para makakain din ako. Idinugtong ko pa nga na para madagdagan pa ang sigla ko sa pagtatalik namin. Napahalakhak si Rashid.

Naisip ko ring nasa kasibulan si Rashid at balewala kung magpakawala ng kapilyuhan sa akin. Tinanggap ko ang mga ibinigay niya at sinuklian ko rin naman ng kakaiba. Nang matapos ay nakangiting sinabi, "Kuwais Nelia, kuwais.(Itutuloy)

No comments:

Post a Comment