Saturday, August 6, 2011

Ika-53 na labas (Kikita raw ako kay Rashid)

NAGTATAKA ako kung bakit naging maurira na si Vicky tungkol sa aking buhay. Pati nga ang mga miyembro ng pamilya ng aking amo ay itinanong. Nagulat nang malamang iisa ang anak ng aking amo at lalaki pa. Mas lalong nagulat nang malamang guwapo ang aking among tinedyer. Hindi ko alam kung bakit.

"Maaari kang magkapera Sister," sabi sa akin ni Vicky na labis kong ikinagulat.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Dito sa Saudi maraming nangyayaring kababalaghan. Siguro hindi mo pa alam dahil bago ka pa lang. Ako mahigit nang 10 taon dito at marami na akong alam. Dito kahit mga bakla ay mas malaki ang kinikita sa pakikipalambutsingan sa mga Arabo kaysa sa kanilang sinasahod..."

Nahiwagaan ako sa sinabi ni Vicky at nasabik sa ikinukuwento pa. Hindi ko pa rin alam kung bakit nasabi niyang maaari akong magkapera.

"Dito kahit sa barber shop ay maraming misteryong nangyayari. Yung mga baklang barbero ay nagpapayari sa mga Saudi. Pera na. Mismong sa loob pa ng shop. Garapalan dito akala mo."

Nagtataka pa rin ako kung bakit sinasabi iyon ni Vicky. Gusto kong hatakin na kung ano ang ibig niyang ipakahulugan.

"Malilibog ang mga Saudi. Sabik sila sa babae. Hindi naman sila maaaring mandagit basta ng babae rito dahil malaking kasalanan. Pugot-ulo kapag nang-rape. Nangyayari, nagtitiis sila sa puwet ng kapwa lalaki. Kadiri ano?"

Tumingin sa paligid si Vicky bago nagsalita. Para bang siniguro na walang makakarinig.

"Maaari mong pagkakuwartahan ang tinedyer mong amo," sabi at ngumiti ito.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Patikimin mo at saka ibitin. Masasarapan ka rin me pera pa."

Gimbal ako. Kung alam lamang ni Vicky na ganoon na nga ang ginagawa ko at malalim na ang naaabot ng relasyon namin ni Rashid. (Itutuloy)

No comments:

Post a Comment