Thursday, August 4, 2011

Ik-28 na labas (Hindi galit si Rashid)

HINDI ang pagkagulantang ni Rashid ang naiwan sa aking isipan nang nakahiga na ako sa kama. Iyon ay walang iba kundi ang di-pangkaraniwang laki ng "nilalaro" ng aking among tinedyer. Parang sa isang ganap na lalaki na iyon. Gayong totoy pa kung tutuusin si Rashid ay pang-professional na ang dalang armas. Mahihiya siguro ang "ari" ng mga kabayong nagsisitakbo sa San Lazaro at Santa Ana. Sa pagkakatingin ko’y matikas ang "nilalarong" iyon. At hindi maalis sa akin ang mala-rosas na kulay na pinatingkad ng pagkagalit. Galit na galit! A, isang panibagong karanasan ang nangyari kanina na hindi ko siguro malilimutan. Kahit pa baligtarin ang mundo ay hindi na makakatkat sa aking isipan ang sa mala-kabayong itsura niyon.

May isang oras marahil ako sa pagkakakulong sa kuwarto. Ayaw kong lumabas sapagkat nahihiya ako kay Rashid. Ako ang may kasalanan kung bakit nangyari iyon. Kung hindi ako nagtungo sa comfort room, hindi ko makikita ang kanyang "paglalaro". Hindi man lamang ako kumatok para alamin kung may tao roon. Walang ibang dapat sisihin kundi ako. At kinakabahan ako sa mga susunod pang pangyayari. Baka kung ano ang gawin sa akin ni Rashid.

Ipinagpatuloy ko ang paggawa sa kusina sa kabila na kinakabahan. Iniisip ko, paano kung magsumbong si Rashid sa waled at waledah (ama at ina) niya. Pero kahiya-hiya kung gagawin niya iyon sapagkat mabibisto naman ang ginagawa niya. Siguro naman ay hindi magagawa ni Rashid na isumbong ako sapagkat mabubulgar ang kanyang ginagawang "paglalaro".

Iniisip ko na baka naman ako ang pagalitan ni Rashid sapagkat nadismaya siya sa "paglalaro". Baka sumbatan ako.

Subalit nagkamali ako ng akala kay Rashid. Kinabukasan, pagdating galing sa unibersidad ay nakipagkuwentuhan na siya sa akin. Para bang balewala ang nangyaring pagkakahuli ko sa kanya sa CR habang "nilalaro" ang sa mala-kabayo niyang "laruan". Noon ako nakahinga ng maluwag. Ganoon man ay hindi ko matingnan ng tuwid si Rashid sapagkat parang nakikita ko sa guni-guni ang ginagawa niya kahapon. Hindi makatkat sa isipan ko ang "cute" na mala-kabayong laruan. (Itutuloy)

No comments:

Post a Comment