Sunday, August 14, 2011

Ika-78 na labas (Blackmail)


MAGKANO raw ang bayad kapag nag-sex kami ng isang beses? Ang tanong ni Mr. Mayman ay parang kidlat na sumaksak sa aking taynga. Tama nga ang hula ko na malaki ang pagnanasa niya sa akin. Ang pagpapakita niya ng mga motibo ay lumantad na. Siguro’y hindi na makapagpigil sa panggigigil. Gusto kong sisihin ang sarili kung bakit malakas ang pang-akit ko sa mga lalaki. Para bang alam ng mga lalaki na mahilig din ako sa sex. Na ako’y lumalaban din. Nakikita marahil sa mga kilos ko ang kalandian. Mayabang din ang tindig ng aking mga "papaya" na kapansin-pansin dahil sa kalakihan.

"Kam el-ojra le-laila?" tanong muli ng gorilyang si Mayman na sa palagay ko ay takaw na takaw na.

Sa pagkakataong iyon ay parang nawala sa akin ang katakawan sa pera. Ayaw ko sa alok niya. Maaari kong presyuhan ang sarili ng isang libo at limandaang riyals o dalawang libo subalit hindi ko ginawa. Ayaw ko. Ang pagtanggi ay ipinabatid ko kay Mr. Mayman sa pag-iling.

Ang sumunod na tanong ni Mr. Mayman ay himig galit na. Parang nainsulto sa pagtanggi ko sa kanya. Magkano raw ang ibabayad niya para mag-sex kami. Mariin ang pagkakailing ko. At pagkaraan ay tumalikod na ako. Humakbang patungo sa kusina.

"Weyn tamshi?" tanong sa akin subalit hindi ko inintindi patuloy ako sa pagpunta sa kusina.

"Maza tarid?" pasigaw na. Ano raw ang gusto ko.

Hindi ako umimik. Hanggang sa pagbantaan ako ni Mr. Mayman na sasabihin niya kay Mrs. Mayman ang tangka kong pagnanakaw. Kung papayag daw ako sa gusto niya, hindi iyon makararating sa asawa niya. Sinabi pa na selosa at matapang ang kanyang asawa. Delikado raw kapag nalaman ang gagawin kong pagnanakaw. Tiyak na isusumbong daw ako nito sa mga motawa. Kapag daw nalaman ng mga motawa ang ginawa ko tiyak na ikukulong ako at baka putulan ng kamay. Kinabahan ako sa sinabi ni Mr. Mayman. (Itutuloy)

No comments:

Post a Comment