"DYINGGEL na dyinggel na ako at hindi ko na kayang tiisin. Ang nanunuot na lamig ng gabi ay lalo lamang nagpabagsik sa nararamdaman kong bigat ng puson. Ipinasya kong lumabas ng kuwarto para hanapin kung nasaan ang comfort room at nang makadyinggel. Marahan kong binuksan ang pinto. Sumalubong sa akin ang lamig at ang tila amoy insenso na galing sa salas ng bahay. Tahimik na tahimik doon. Palatandaang mahimbing nang natutulog ang pamilya ni Mr. Mayman.
Hindi naman ako nahirapang hanapin ang comfort room sapagkat ilang hakbang lamang pala iyon sa aking kuwarto. Naisip ko na ang comfort room na iyon ay sadyang para sa maid. Maliit lamang ang comfort room. Marumi na rin dahil hindi nagagamit. Ang inidoro ay maalikabok. Pero kapag pala ganoong halos bumagsak na ang puson ay hindi na iintindihin kung marumi pa iyon. Ibinuhos ko ang lahat nang maupo sa maalikabok na inidoro. Marami nang naipon sa aking pantog. Sa eroplano ay isang beses lang ako nakaihi sapagkat kapag tumatayo ako sa eroplano ay para akong mahihilo. Minabuti kong huwag nang umihi.
Nang mailabas kong lahat ang iniipong sama ng loob sa inidoro ay mabilis na rin akong lumabas sa comfort room at marahan kong isinara iyon. Kung maaari ay ayaw kong makalikha ng ingay at baka mabulahaw sina Mr. Mayman sa pagtulog. Baka sabihin na kabagu-bago ko sa kanila ay hindi marunong kumilos nang marahan. Ayaw kong may masasabi sila sa akin.
Patungo na ako sa aking kuwarto nang makita ang pagbaba sa hagdan ng isang tinedyer na lalaki. Ang hagdan ay bahagyang natatakpan ng kung anu-anong adorno kaya hindi ako napapansin o nakikita ng tinedyer. Guwapo ang lalaki na sa palagay ko ay patungo rin sa CR para magbawas. Napagmasdan ko ang kaanyuan ng tinedyer: guwapo ito, nakaputing sutana at nahalata ko ang bukol sa "harap".
Nagmamadali na akong nagtungo sa aking kuwarto at nahiga. Malamig ang una kong gabi sa Saudi. Ibang klase ang lamig na mas masarap kung may katabi sa pagtulog. (Itutuloy)
No comments:
Post a Comment