"MAHINA ako sa tukso. Kaunting bola lamang ng lalaki ay madali akong matangay nang matatamis na pananalita. Aywan ko ba kung bakit ganoon ako at hindi makaiwas. Siguro nga’y nasa dugo ko ang pangangaliwa at hindi nagkakasya sa isa lamang. Noon pa mang dalaga ako, ay kung ilan na ang naging boyfriend ko. Pero hindi ako nagpapagalaw sa kanila. Halik at hipo lamang. Nasa high school pa ako nang magsimulang makipag-boyfriend.
Hindi naman sa pagmamayabang ay me itsura rin naman ako. Maputi ako at makinis ang aking kutis. Ang aking katawan ay madalas habulin ng mga kalalakihan, me kalakihan din ang aking mga boobs na kapag ako ay naglalakad ang lahat nang makakasalubong ko ay doon nakatingin. Para bang sa kanilang mga tingin ay gustong mapitas ang nakabiting malulusog at makakatas na papaya.
Hindi rito sa Hong Kong naganap ang aking ipagtatapat na naging dahilan para masira ang buhay na-ming mag-anak. Nangyari ang lahat sa Riyadh, Saudi Arabia noong 1991. Iyon ay pagkaraan ng Gulf War. Isa akong domestic helper doon. Iyon ang una kong pakikipagsapalaran sa Saudi. Malakas ang aking loob kahit na marami ang nagbabalita sa akin na maraming salbaheng Arabo. Ako na may katigasan ang ulo ay hindi basta-basta naniniwala hangga’t hindi ko nararanasan.
Sa totoo lang, ayaw ng mister ko na mag-Saudi ako. Nakararaos din naman daw kami kahit na paano. Ang mister ko ay jeepney driver. Inilalabas niya ang jeepney ng kanyang pinsan.
Sabi ko sa asawa ko, sawang-sawa na ako sa hirap at gusto ko namang maranasan ang maayus-ayos na buhay. Sabi ko, kung ayaw niyang mag-Saudi, e ako ang aalis. At nangyari nga iyon. Mabilis ang pagkakapag-apply ko. Ilang buwan lamang ay lumipad ako patungong Saudi. Hindi ko inintindi kung anuman ang damdamin ng aking asawa sa pag-alis kong iyon. Basta ang nasa isip ko e makakita ng dollar at nang mahango sa hirap ang buhay.
Hindi ko akalain na ang anak na tinedyer ng aking amo ay makakarelasyon ko. Kung paano nangyari ay unti-unti kong isasalaysay." (Itutuloy)
No comments:
Post a Comment